Kautusan ni PNP Chief Albayalde, pinuri
PINURI ng Human Rights Watch ang pinakahuling utos ni PNP Director General Oscar Albayalde sa kanyang mga tauhan na huwang iharap sa mga mamamahayag at sa publiko ang mga pinaghihinalaang na sa likod ng iba't ibang krimen.
Ayon sa Human Rights Watch, pinuri din ng Commission on Human Rights ang kautusang ito na nagpapakita ng pagalang sa due process at presumption of innocence.
Sinabi ni Director General Albayalde na sinusunod lamang niya ang direktibang mula kay PNP Director General Jesus Verzosa noong 2007 matapos punahin ang mga "perp walk" sapagkat labag ito sa batas.
Sa ilalim ng pnunungkulan ni Director General Ronald M. dela Rosa, ibinalik ang gawaing ito bilang pagpapasigla sa kampanya ng pamahalaan laban sa illegal drugs. Nanungkulan si Dela Rosa mula noong Hulyo 2016 hanggang noong nakalipas na Abril.
1 2 3 4