|
||||||||
|
||
20180718melo.m4a
|
Walang malalabag na probisyon sa Saligang Batas ang Panimula ng BBL
TINIYAK ni House Majority Leader Rodolfo Farinas na walang anumang probisyon ng Saligang Batas ang malalabag ng Panimula (Preamble) ng panukalang Bangsamoro Basic Law na pinag-uusapan sa bicameral conference committee. Kasama sa kanilang grupo sina Congressmen Arthur Defensor, Jr. Eugene Michael de Vera at mga Senador na sina Franklin Drilon at Risa Hontiveros.
Ang kakaibang pananalita sa panukalang batas ay 'di tutugma sa nilalaman ng Saligang Batas ng Pilipinas kaya't nagkaroon ng "fine-tuning."
Iminungkahi ni G. Farinas na gamitin ang katagang "Ang mga mamamayang Filipino, na kumikilala sa mga mithiin ng Bangsamoro" ay sumasangayon sa nilalaman ng Saligang Batas.
Nagkasundo ang bicameral conference committee na nararapat makasama sa Panimula ang mga layunin at mithiin ng mga Bangsamoro na kinikilala ng Kongreso na napapaloob sa Organic Law.
Dumalo sa ikalimang araw sina Deputy Speaker Bai Sandra Sinsuat Sema, Congressmen Juan Pablo Bondoc, Mauyag Papandayan, Jr., Ruby Sahali, Amihilda Sangcopan, Walter Wee Palma II, Celso Lobregat, Romeo Acop, Rodante Marcoleta at Leopoldo Bataoil. Kasama sa lupon ng Senado sina Senador Juan Miguel Zubiri, Juan Edgardo Angara, Joel Villanueva at Francis Escudero.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |