|
||||||||
|
||
Napauwi ng pamahalaan ang 51 problemadong manggagawa mula Abu Dhabi
LIMAMPU'T ISANG MANGGAGAWA, NAKAUWI NA SA PILIPINAS. Tinutulungan ng sang tauhan ng Department of Foreign Affairs ang ilan sa kababaihang nakauwi sa bansa matapos maharap sa mga problema sa Abu Dhabi. (DFA Photo)
MGA BIKTIMA NG ILLEGAL RECRUITER NAKAUWI NA. Sinabi ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na inutusan sila ni Pangulong Duterte na alumni ang kalagayan ng mga manggagawa sa iba't ibang bansa. Ang pagpapauwi sa mga problemadong manggagawa ay nananatiling prayoridad, dagdag pa ng kalihim. (DFA Photo)
TULOY ang pagpapauwi ng Department of Foreign Affairs sa mga problemadong manggagawa sa iba't ibang bahagi ng daigdig. Nakita ito sa pagdating ng 51 Filipina mula sa United Arab Emirates.
Sa isang pahayag, sinabi ng DFA na ang pinakahuling dumating sa bansa ang naghatid sa bilang na 702 mga manggagawang nakauwi mula sa UAE mula noong unang araw ng Enero.
Sinalubong ang mga Filipina na naging biktima ng illegal recruiter. Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, pagsunod lamang ito sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na alamin ang kalagayan ng mga manggagawa sa alin mang bahagi ng daigdig.
Idinagdag ni Secretary Cayetano na hindi nagwawakas ang kanilang pagtulong sa pagpapauwi sa mga manggagawa sapagkat tutulong pa rin ang ibang mga ahensya ng pamahalaan upang makasamang muli ng mga umuwi ang kanilang mga mahal sa buhay sa mga lalawigan.
Sinagot ng DFA ang gastos sa repatriation, kanilang ang exit visas, pamasahe pabalik sa mga lalawigan sa pammagitan ng pondo mula sa Assistance to Nationals. Tumulong ang Office of Migrant Workers Affairs sa kanila.
Ayon kay Charge d'Affaires Rowena RE. Pangilinan – Daquipil sa Abu Dhabi, ang 51 ay dumating sa UAE bilang mga turista at nakatagpo ng trabaho at umalis sa kanilang mga sponsor at ahensya kaya napahamak, inabuso at hindi nabayaran ng kanilang mga sahod at benepisyo.
Sa paglagda sa UAE Law for Domestic Workers at Philippines-UAE Memorandum of Understanding on Labor Cooperation noong 2017, umaasa ang embahada na maiibsan ang mga problemadong mga manggagawang mula sa Pilipinas.
Inilipat na rin ang hurisdiksyon sa Ministry of Human Resources at Emiratization mula sa Ministry of Interior. Pinapayagan na rin ang dispute resolution, pagbubukas ng mga madudulugan ng mga manggagawa upang matiyak ang kaligtasan ng mga banyaga sa UAE. Tiniyak ding makikinabang ang mga banyagang manggagawa sa mga itinatadhana ng kanilang mga batas.
Mayroong 626,000 mga Filipino ang matagal nang naninirahan sa UAE samantalang halos 217,000 ang naglilingkod sa Abu Dhabi.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |