Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Department of Foreign Affairs naghahanda sa pagpapauwi sa mga Pinoy sa Nicaragua

(GMT+08:00) 2018-07-20 17:18:06       CRI

Department of Foreign Affairs naghahanda sa pagpapauwi sa mga Pinoy sa Nicaragua

NAKAUSAP na ni Consul Ma. Carmela Teresa Cabrera ang mga 86 na Filipino sa may kaguluhang bansa ng Nicaragua at inalok na gamitin na ang voluntary repatriation program ng pamahalaan. Ito ay kasunod ng pag-uwi ng may 51 mga inabusong manggagawa sa Abu Dhabi kamakalawa.

Sa isang pahayag ng Department of Foreign Affairs, sinabi ni Secretary Alan Peter Cayetano na makatitiyak ang mga Filipino sa Nicaragua na handa silang tulungang makauwi sa Pilipinas anong oras man nila naisin.

Pinayuhan din ni Secretary Cayetano ang mga Filipino na manatiling mapagbantay at maging handa sa anumang posibleng maganap.

May tatlong Filipino na ang nakauwi mula sa Managua noong ikawalo ng Hulyo at dumating sa bansa noong ika-sampu ng Hulyo.

Binabantayan ni Philippine Ambassador to Mexico Demetrio Remedios Tuason ang mga nagaganap sa Nicaragua mula ng magulo ang bansa noong nakalipas na Abril.

Nagsimula ang gulo sa Nicaragua ng simulang bawasan ni Pangulong Daniel Ortega ang benepisyo sa social security at tinaasan ang mga buwis. Kahit pa hindi na ginalaw ang kalakaran ni Pangulong Ortega, tuloy pa rin ang kaguluhan.

Magugunitang mula sa bilang na higit sa 100 milyong mga Filipino sa bansa, may 10.2 milyon ang nasa iba't ibang bahagi ng daigdig upang manirahan at maghanap-buhay.

1  2  3  
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>