|
||||||||
|
||
Estados Unidos, maglalaan ng US$ 26.5 milyon
Ito ang sinabi ni US Ambassador to the Philippines Sung Kim. (File Photo/Melo M. Acuna)
IBINALITA ni US Ambassador to the Philippines Sung Kim na may iaambag ang kanilang pamahalaang US$ 26.5 milyon upang higit na mapasigla ang kampanya laban ng Pilipinas sa terorismo at "violent extremism."
Sa isang pahayag, sinabi ni Ambassador Sung Kim na ang halagang ito na halos isa't kalahating bilyong piso ang magpapasigla sa programa ng bansa laban sa terorismo sa pamamagitan ng law-enforcement agencies na kabibilangan ng pagsasanay, kagamitan at pamamaraan upang huwag makakilos ang mga terorista, mapigil ang daloy ng salapi at iba pang labag sa batas na gawain.
Higit na gagana ang kakayahan ng mga autoridad na magsiyasat at maglitis sa mga usaping may kinalaman sa terorismo.
Ani Ambassador Sung Kim, patunay lamang ito ng pakikiisa ng Estados Unidos sa malawakang kampanya laban sa banta ng mga terorista at pagtulong sa Armed Forces of the Philippines.
Mga manggagawa mula sa iba't ibang grupo, magtitipong muli
AMERICA, NAGLAAN NG SALAPI LABAN SA TERORISMO. 3 Photo No. 2 -MGA MANGGAGAWA, MAGSASANIB NA NAMAN. Sinabi ni Atty. Sonny Matula, angulo ng Federation of Free Workers na makakasama nila ang mga kinatawan ng iba't bang grupo upang magulat sa tunay na kalagayan ng hanay nila. (File Photo/Melo M. Acuna)
SA ikalawang pagkakataon, magsasama-sama na naman ang mga kinatawan ng iba't ibang samahan ng mga manggagawa upang magbigay ng impormasyon sa kalagayan ng kanilang hanay.
Magkakasama sina Atty. Sonny Matula ng Federation of Free Workers, Rene Magtubo ng Partido Manggagawa at Elmer Labog ng Kilisang Mayo Uno sa isang press briefing sa Maynila bukas ng umaga. Paksa nila ang "Kalagayan ng Mangggagawa sa ilalim ng Gobyernong Duterte."
Kabilang sa kanilang isyu ang tumataas na inflation, paghina ng piso sa dolyar, pagbagsak ng investments, mabalam na kalakalan at maging ang pagkabalam ng programang Build, Build, Build. Bibigyang pansin din ang kawalan ng hanapbuhay na patuloy na tumataas sa paglipas ng panahon.
Ipinagtatanong nila na sa likod ng mga pagsusuri na nagsasabing maraming mga Filipino ang tutol sa pagbabago ng Saligang Batas ay itinatampok pa ng pamahalaan ang Charter Change at Federalismo.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |