|
||||||||
|
||
Kalookan Bishop David, tumanggap ng salapi para sa mga naulilang bata
Tinanggap ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David ang donasyon para sa dalawang pauli ng pagpaslang sa kanyang nasasakuuan. Kinondena rin nya ang walang humpay na pagpaslang sa kanyang nasasakuuan. (File Photo/Melo M. Acuna)
TINANGGAP ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David ang halos P 300,000 mula sa isang special collection sa misa sa Philippine Conference on New Evangelization sa University of Sto. Tomas kanina.
Magugunitang ibinalita ni Bishop David ang sinapit ng isang balo na binaril at napatay ng mga 'di kilalang lalaking sakay ng motorsiklo kagabi. Ani Bishop David, ang balo ay lumapit sa kanya noong mapaslang ang asawa nito noong nakalipas na taon.
Humingi ang biktima ng scholarship sa ilalim ng Caritas at tinulungan naman. Kagabi, ang balo na mismo ang napaslang kaya't naiwang ulila ang dalawang anak nito. Sinabi ni Bishop David na magagamit ang salapi sa pagpapa-aral sa mga naulila.
Kinondena rin niya ang walang humpay na pagpaslang sa kanyang nasasakupan sa Diocese of Kalookan. Tikom pa rin ang bibig ng mga autoridad sa pangyayari.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |