|
||||||||
|
||
Mga Sangkap
500 grams ng dried egg noodles
1 kutsara ng sesame oil
3 kutsara ng vegetable oil
Paraan ng Pagluluto
Magpakulo muna ng tamang dami ng tubig sa isang kaserola tapos ihulog ang dried egg noodles.
Haluhaluin para maghiwa-hiwalay. Lutuin ang noodles hanggang lumambot pero huwag hahayaang maging malabsak. Hanguin at patuluin tapos banlawan ng malamig na tubig at patuluing muli. Wisikan ng sesame oil.
Sa isang malaking kawali, initin ang tatlong kutsara ng vegetable oil. Idagdag ang egg noodles at ikalat ang mga ito hanggang sa gilid ng kawali at lutuin ang parteng ilalim nang hindi hinahalo hanggang magkulay brown. Baligtarin pagkatapos at ganundin ang gawin sa kabilang parte. Hanguin at isalin sa serving plate. Ihaing kasabay ng mga nilutong ulam.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |