|
||||||||
|
||
20180731melo.m4a
|
Labing-isa, nasawi sa Basilan
SAMPU katao ang nasawi sa pagsabog sa isang van samantalang nakatigil sa isang military checkpoint sa Lamitan City sa Basilan kaninang umaga. Pinaniniwalaang may kinalaman ang mga militanteng may koneksyon sa mga kabilang sa Islamic State.
Naganap ang pagsabog samantalang pinatigil ng mga kawal ang sasakyan at kinausap ang tsuper ng van. Magugunitang sa Basilan nagkukuta ang mga Abu Sayyaf na bantog sa pagdukot at pagpatay ng kanilang mga bihag. Ito rin ang tinirhan ng dating "emir" ng Islamic State sa Timog-silangang Asia na napaslang noong nakalipas na taon.
Bihira ang pagpapasabog ng mga sasakyan kahit pa matagal ng naganap ang kaguluhang nakatawag pansin ng mga banyagang terorista.
Isang pinaghihinalaang may kinalaman sa pagpapasabog, isang kawal, limang kabilang sa Citizens Armed Forces Geographical Unit at apat na sibilyan ang nasawai na kinabibilangan ng mag-ina. May mga nasugatan subalit 'di pa batid ang kanilang bilang.
Sinabi ni Governor Jim Saliman na nakatanggap siya ng mga balita na ang mga Abu Sayyaf ang may kagagawan ng pagpapasabog subalit wala siyang ibang detalyes.
Sa Campo Aguinaldo, sinabi ni Colonel Edgard Arevalo na nakausap na niya si Western Mindanao commander Lt. General Arnel dela Vega na nagsabing ang grupo ng Abu Sayyaf sub-commander Furiji Indama ang nasa likod ng pagpapasabog. Nawawalan na umano ng kakayahan ang Abu Sayyaf kaya ganito na ang kanilang ginagawa ngayon.
Tuloy ang imbestigasyon at inaalam pa ang ibang detalyes. Nanawagan din siya sa mga mamamayan na maging alerto at mapagbantay kung mayroong mga 'di kilalang tao na gumagala sa kanilang pook.
Dinudukot ng mga Abu Sayyaf ang mga mangingisda mula sa mga malalaking palakaya at namumugot ng mga hostage na banyaga.
May posibilidad umanong suicide bombing ang naganap sapagkat nasawi rin ang tsuper ng van. May posibilidad ding pinasabog ng may dala ng bomba ang kanyang dala sa pangambang madadakip siya ng mga kawal. Naganap ang pasabog sa may sa Magkawit Detachment sa Barangay Colonia sa Lamitan City.
May limang iba pang nasugatan sa pagsabog.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |