|
||||||||
|
||
Tuloy ang paglilinis ng pulisya
SINABI ni Police Director General Oscar D. Albayalde na tuloy ang kanilang paglilinis ng hanay na kinabibilangan ng may 190,000 tauhan sa nakalipas na dalawang taon.
Mula noong 2016 hanggang sa unang bahagi ng 2018, umabot na sa 1,828 tauhan ng Philippine National Police ang napatalsik sa kanilang serbisyo dahil sa iba't ibang paglabag sa mga alituntunin.
Ang mga napatalsik ay kanilang sa 6.401 tauhan ng PNO na ginawagan ng parusang administratibo mula sa pagkakasangkot sa mga gawaing kriminal, masamang pag-uugali, kapabayaan sa tungkulin, pagkakasangkot sa mga kasong kriminal, irregularidad, paglustay ng salapi, kawalan ng katapatan at katiwalian.
Naparusahan din ang may 3,589 na tauhan sa pamamagitan ng suspension terms, 362 naman ang nabawasan ng ranggo o sumailalim sa demotion, 403 ang napagsabihan, 147 ang naparusahan sa pagbawi ng kanilang mga sahod, 43 ang nabawasan ng mga prebilihiyo at 29 ang 'di pinalabas ng kanilang mga tanggapan.
Maliban sa ginawaran ng parusang administratibo, 498 na tauhan pa ang nasiyasat sa mga drug-related cases at kinabilangan ng 266 na naging posibito sa paggamit ng illegal na droga samantalang may 232 ang sangkot sa illegal drug trade.
May 261 pulis at non-uniformed personnel na napatunayang gumagamit ng illegal drugs ang napatalsik samantalang 92 ang inalis sa serbisyon at may 23 ang nasuspinde samantalang siyam ang nabawasan ng ranggo sa pagkakasangot sa illegal drug activities.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |