Philippine Health Insurance Corporation, inutusang ibalik ang bonus at iba pang prebilihiyo
INUTUSAN ng Commission on Audit ang Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth na ibalik ang P163.9 milyong bonus at financial assistance sa mga opisyal nito sa nakalipas na tatlong taon.
Sa huwalay na mga desisyon namay lagdang ika-29 ng Enero ng taong ito na kalalabas lamang sa mga mamamahayag kahapon, tinanggihan ng Commission on Audit at kahilingang pagbalik-aralan ang desisyong taliwas sa batas ang mga biyayang inilabas para sa mga opisyal.
Mayroong limang notices of disallowance sa P 80.79 milyon sa iba't ibang biyaya sa panahon ng Pasko, anibersaryo at performance incentive bonus na ibinigay ng administrador nito sa mga tauhan ng tanggapan noong 2009 at 2010.
Taliwas din sa batas ang P 83 milyong educational assistance at birthday gifts sa mga kawani ng head office at mga tanggapan sa Rizal at National Capital Region noong 2014. May ruling na lumabas noong 2012 na walang basehang legal ang mga benepisyo at hindi sinangayunan ng Tanggapan ng Pangulo.
1 2 3 4 5