|
||||||||
|
||
Lahat ng mga Napoles, liban sa isa ang nasa Pilipinas
SINABI ni Justice Secretary Menardo Guevarra na iisa sa mga Napoles ang nakalabas ng bansa bago lumabas ang indictment mula sa United States grand jury.
Ayon sa immigration records, ang anak ni Janette Napoles, si Jeane Catherine ang nakalabas ng bansa noong ika-27 ng Hulyo, limang araw bago lumabas ang indictment. Hindi mabatid kung saan nagtungo ang anak ng mga Napoles.
Na sa Pilipinas sina Jo Christine at James Christopher at Reynald Lim at maybahay nitong si Ana Marie, dagdag pa ng Kalihim ng Katarungan.
Ani Secretary Guevarra, kung hihilingin ng America ang kanilang extradition at hindi nahaharap sa anumang kaso sa Pilipinas, pag-aaralan nila at sisimulan ang kaukulang proseso.
Samantala, hindi nila mapagbabawalan ang paglalakbay ng mga taong ito matapos magdesisyon ang Korte Suprema na nagsabing walang karapatan ang Justice secretary na magbawal ng paglalakbay palabas ng bansa.
Problemado ngayon ang Department of Justice sapagkat posibleng gamitin ng America ang International Police upang ipadakip ang mga ipinagsumbong. Makukuha sila ng Estados Unidos saan man sila magtungo.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |