|
||||||||
|
||
Mga naninirahan sa Itogon, pinagsabihan na ng pamahalaang lokal
NAGTUNGO ang mga alagad ng batas at mga kinatawan ng pamahalaang lokal sa Ucab, Itogon, Benguet, ilang araw bago dumaan ang bagyong "Ompong." Ito ang sinabi ni Engr. Salvio B. Laserna ng Mines and Geosciences Bureau sa idinaos na "Tapatan sa Aristocrat" kaninang umaga.
MGA NANINIRAHAN SA UCAB, BINALAAN NA. Ito ang sinabi ni Engr. Salvio B. Laserna ng Mines and Geosciences Bureau sa Tapatan sa Aristocrat kanina. Hindi umano nagkulang ang pamahalaan sa pagsasabi hinzgil sa panganib. (Melo M. Acuna)
Ipinaliwanag ni G. Laserna na dumalaw ang mga tauhan ng pulisya at pamahalaang lokal upang sabihan ang mga mamamayang lumikas na sapagkat malakas ang bagyong darating na mayroong matinding ulang dala. Nangangahulugan ito ng pagbaha at posibleng paguho ng lupa.
KARANIWANG DUMARAAN ANG 20 BAGYO SA PILIPINAS SA BAWAT TAON. Ayon kay Dr. Esperanze Cayanan ng PAGASA, sampu lamang ang nakakapasok sa Philippine Area of Responsibility sa bawat taon. Noong 1993, 33 bagyo ang pumasok sa bansa. (Melo m. Acuna)
Ipinaliwanag din ni Dr. Esperanza Cayanan, namumuno sa Weather Division ng Philippine Atmospheric, Geophysical, Astronomical Sciences Administration o PAGASA, na karaniwang dumaraan sa Pilipinas ang hanggang 20 bagyo sa bawat taon. Sampu sa mga ito ang tumatama sa lupa sa alinmang bahagi ng bansa.
Noon umanong 1993, higit sa 30 bagyo ang dumaan sa bansa.
Nagpapasalamat din silang mayroong makabagong kagamitan ang kanilang tanggapan sapagkat nakapagbibigay na sila ng limang araw na forecast.
SAPAT ANG RELIEF GOODS. Niliwanag ni Undersecretary Hope Hervillo ng DSWD na sapat ang kanilang relief goods na ibinibigay sa mga biktima ng bagyo. Dumalo rin si USec. Hervillo sa "Tapatan sa Aristocrat." (Melo M. Acuna)
Sa panig ni Social Welfare and Development Undersecretary Hope Hervillo, maayos ang kanilang mga pagkaing ipinamamamahagi sapagkat balot ng maayos ang kanilang ipinamamahagi sa mga biktima. Kabilang dito ang bigas, mga de lata at iba pang pagkain. Mayroon ding isinasaayos na pagkaing ipamamahagi sa mga evacuation site. May mga nagakkaroon ng community kitchen upang matugunan ang pangangailangan ng mga biktima. May mga soup kitchen na itinatag upang makatulong sa lahat ng mga biktima.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |