|
||||||||
|
||
20180912melo.m4a
|
Supertyphoon Mangkhut, nakapasok na sa Pilipinas
STATE COUNCILOR AT FOREIGN MINISTER WANG YI, DADALAW SA PILIPINAS. Ito ang mga larawan ni Minister Wang Yi sa kanyang pagdalaw noong Hulyo 2017. asama niya sa larawan si Foreign Secretary Alan Peter Cayetano. (Melo M. Acuna)
GANAP na ikatlo ng hapon ng pumasok ang bagyong "Mangkhut" na may pangalang "Ompong" sa Philippine Area of Responsibility.
Nagbabala na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC sa mga mamamayan na magsimulang makararanas ng malakas na ulan mula bukas.
Madarama si "Ompong" sa Northern Luzon, Cagayan at Cordilleras at Central Luzon. Higit na titindi ang habagat sa Kabisayaan, MIMAROPA, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao at CARAGA.
Sa isang press briefing, sinabi ni Undersecretary Ricardo Jalad na sa paglapit ng abgyo, higit na lalakas ang buhos ng ulan. Inaasahang tatami sa lupa si "Ompong" sa Sabado ng umaga subalit madarama na ang pag-ulan bukas hanggang sa Biyernes.
Magkakaroon ng preemptive evacuation sa mga pook na madalas binabaha, dagdag pa ni Undersecretary Jalad.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |