Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Malakas na bagyong "Rosita" pinaghahandaan

(GMT+08:00) 2018-10-29 18:41:29       CRI

Pag-uusap ng Pilipinas at Tsina, magbubunga ng maganda

NANINIWALA si Foreign Affairs Secretary-Designate Teodoro Locsin, Jr. na magiging maganda nag kahihintanan ng pagtutulungan ng Tsina at Pillipinas. Ito ang kanyang pahayag sa idinaos na Press Briefing sa Davao City kanina matapos ang kanilang bilateral meeting sa Marco Polo Hotel.

Sa pahayag ng Department of Foreign Affairs, sa pamamagitan ng kanilang Office of Public Diplomacy, naupo at nag-usap ang magkabilang panig kaninang umaga at inalam kung ano ang kinahinatnan ng magandang relasyon ng dalawang bansa sa nakalipas na dalawang taon.

Pilipinas at Tsina Nag-usap.  Makikita sa mga larawan ang mga koponan ng Pilipinas at Sina sa kanilang Bilateral Meeting sa Marco Polo Hotel sa Davao City.  Pinamunuan ni State Councilor at Foreign Minister Wang Yi ang Chinese delegation at ni Foreign Secretary Teodoro L. Locsin, Jr. ang pang ng Pilipinas.  (Mga larawan pula sa DFA/OPD)

Magugunitang dumating kahapon sa Davao City si State Councilor at Foreign Minister Wang Yi upang pasinayaan din ang Chinese Consulate General sa Davao City.

Sumaksi rin ang dalawang opisyal sa paglagda sa tatlong kasunduan, ang Exchange of Letters on the Feasibility Study of the Davao River Bridge Project, ang Handover Certificate of Law Enforcement-Related Materials/Equipment at ang Handover Certificate of Emergency Humanitarian Assistance.

Pinag-usapan din ang tungkol sa maritime cooperation. Naninindigan pa rin ang Pilipinas sa kahalagahan ng Declaration of Conduct in the South China Sea.

Pinag-usapan din nila ang napipintong pagdalaw sa Pilipinas ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa darating na Nobyembre. Si Pangulong Xi ang ikawalong pinuno ng Tsina na dadalaw sa Pilipinas mula ng magkaroon ng diplomatic relations ang dalawang bansa noong 1975.

1  2  3  
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>