Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Turismo, malaki ang maidudulot na biyaya sa bansa

(GMT+08:00) 2018-10-23 15:40:17       CRI

NANINIWALA sina G. Daniel Edralin ng National Union of Workers in Hotel Restaurant and Allied Industries, dating LTFRB Chairman and LTO Assistant Secretary Engr. Alberto Suansing at Philippine Star columnist Wilson Lee Flores na malaking biyaya ang makakamtan ng Pilipinas mula sa sektor ng Turismo.

Bagaman, sinabi ni G. Flores na kailangang magkaroon ng maayos at makabagong paliparan sa bansa. Kailangan din umanong malinis ang kapaligiran ng paliparan sapagkat sa mga pook na ito nabubuo ang pananaw ng mga turisdta sa bansang kanilang dinadalaw.

TURISMO, MALAKI ANG MAIAAMBAG SA PILIPINAS.  Ito ang sinabi ni G. Daniel L. Edralin. Secretary General na National Union of Workers in Hotel Restaurant and Allied Industries (gitna) sa idinaos na Tapatan sa Aristocrat.  Ibinalita naman ni Wilson Lee Flores, pangalawa mula sa kaliwa na Yambot na sa 900,000 mga Tsinong turista ang dumalaw sa Pilipinas mula nog Enero hanggang Agosto ng 2018.  Na sa lupon din si Engr. Alberto Suansing, (dulong kanan).  Larawan ni Avito Dalan ng PNA)

Sa panig naman ni G. Edralin, binanggit niyang nagiging training ground ang kanilang mga bahay kalakal ng mga nagtutungo sa iba't ibang bahahi ng daigdig upang magtrabaho.

Malaki rin ang obligasyon ng pamahalaan at pribadong sektor na maayos ang transportasyon upang 'di masayang ang panahong gugugulin ng mga panauhin sa bansa, dagdag naman ni Engr. Suansing.

Ayon naman kay G. Flores, umabot na umano sa 900,000 ang mga turistang Tsino ang dumalaw sa bansa mula Enero hanggang Agosto ng taong ito. Bagaman, ikinalungkot niyang sa Thailand, sa 30 milyong turista, may 10 milyon ang mula sa Tsina.

1  2  3  4  5  
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>