|
||||||||
|
||
20181018 Melo Acuna
|
NASAWI ang tatlong pulis samantalang sugatan ang tatlong mga kasama sa isang pananambang ng mga 'di mabatid na bilang ng mga kasapi sa New People's Army kaninang pasado ika-siyam ng umaga sa Lupi, Camarines Sur.
Ang mga pulis na sakay ng kanilang patrol car ang nagbibigay ng security services sa pinuno ng Food and Drug Administration na nakilala sa pangalang Director General Nela Charade Puno na patungo sa isang okasyon sa Daet, Camarines Norte.
MGA LARAWAN SA GINAWANG AMBUSH NG MGA REBELDENG NPA SA BICOL. Tatlong pulis ang nasawi, tatlong iba pa ang nasugatan. (Larawan ng PNP Regional Office No. 5)
Ayon kay Chief Inspector Malou Calubaquib, tagapagsalita ng PNP Regional Office No. 5, isiunugod ang mga sugatang pulis sa Bicol Medical Center sa Naga City, may 66 na kilometro pa ang layo.
Humabol ang mga tauhan ng Camarines Sur Provincial Police Office sa mga armado. Nagpadala na rin ng mga tauhan ang Philippine Army upang hanapin ang mga nanambang.
Ligtas naman ang kanilang sinasamahang opisyal ng Food and Drug Administration. Matagal nang pinamumugaran ng mga armadong kasapi ng New People's Army ang Bicol Region mula pa noong dekada otsenta. Bumaba ang kanilang noong dekada nobenta.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |