MGA NADAKIP NA FILIPINA. PANSAMANTALANG PINALAYA. Kausap ni Ambassador Adnan Alonto (kaliwa) ang 19 na kababaihang pansamantalang pinalaya mula sa piitan dahil sa pagdalo sa isang Halloween party noong Biyernes. (DFA Photo)
NAKALABAS ng ng Al Nisa Jail sa Riyadh, Saudi Arabia ang 19 na mga Filipina na dinakip noong nakalipas na Biyernes dahil sa pagdalo sa isang Halloween Party sa isang tahanan sa isang compound.
Inireklamo sila ng mga kapitbahay sa lubhang ingay at pagsasama ng mga kalalakihan at kababaihan ng walang kasal.
Pinalaya ang mga Filipina at ibinigay kay Philippine Ambassador to Saudi Arabia Adnan Alonto ang pangangalaga sa mga kababaihang ipagsasakdal sa paglabag sa Shari-a Law at iba pang mga reklamo.
Nakalabas sa piitan ang mga kababaihan ganap na ala-una viente ng hapon oras sa Saudi Arabia o alas seis viente ng gabi, oras sa Pilipinas.
1 2 3 4