|
||||||||
|
||
Sister Patricia Fox, lilisan na sa Sabado
AALIS na sa Pilipinas si Sr. Patricia Fox sa darating na Sabado sa likod ng pagtanggi ng pamahalaan na mabigyan ng extension ang kanyang pananatili sa bansa. Tinanggihan ng Bureau of Immigration ang kanyang kahilingan na mamatili sa bansa sa pamamagitan ng extension ng kanyang temporary visitor's visa na magwawakas sa darating na Sabado.
Lilisan siya sa darating na Sabado pabalik sa Australia. Malinis umano ang kanyang konsensyang aalis ng Pilipinas at naniniwalang walang ginawang anumang labag sa batas sa kanyang pananatili sa bansa sa loob ng 27 taon.
Isang protesta ang nakatakdang gawin sa darating na Sabado bilang pagkilala sa naiambag ni St. Pat sa pakikibaka laban sa 'di makatarungang kalakaran sa bansa.
Babalik umano siya sa bansa sa oras na matapos na ang panunungkulan ni Pangulong Duterte at kung hindi siya ilalagay sa blacklist.
Akusado ang madre ng pakikilahok sa mga pagkilos na politikal.
Sa oras na magwagi sa kanyang usapin sa Department of Justice, matatanggal ang kanyang pangalan sa blacklist, dagdag naman ni Justice Secretary Menardo Guevarra.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |