|
||||||||
|
||
Malaking karangalang makasama ang mga propesyunal sa Department of Foreign Affairs
INDEPENDENT FOREIGN POLICY, IPINALIWANAG. Binigyang-diin ni Foreign Secretary-Designate Teodoro L. Locsin, Jr. ang independent foreign policy ni Pangulong Duterte sa kanyang unhang pagharap sa mga kawani ng Department of Foreign Affairs kanina. (DFA Photo)
NAKAUSAP ni Foreign Secretary-Designate Teodoro L. Locsin, Jr. ang mga kawani ng Department of Foreign Affairs sa unang pagkakataon at nagsabing isang malaking karangalang makasama ang pinakamagagaling sa pamahalaan.
Mayroon umanong magandang reputasyon ang mga kawani ng Department of Foreign Affairs sapagkat tunay na mga propesyunal ang mga tauhan ng kagawaran. Ito ang kanyang pahayag sa pagsalubong sa kanya ng mga kawani ng DFA sa Bulwagang Apolinario Mabini.
MAINIT NA PAGTANGGAP NG MGA OPISYAL AT KAWANI NG DFA SA BAGONG KALIHIM. Makikita sa larawan ang mga opisyal ng DFA sa pagsalubong kay Secretary Locsin sa Bulwagang Apolinario Mabini kanina. (DFA Photo)
Matiyaga at may dedikasyon ang mga kawani sa kanilang pagtupad sa kanilang mga gawain, dagdag pa ni G. Locsin na naglingkod bilang Permanent Representative of the Philippines to the United Nations mula ng manungkulan si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ipinaliwanag niyang muli ang independent foreign policy ni Pangulong Duterte. Binanggit din niyang marapat na maayos ang working conditions sa Department of Foreign Affairs na nararapat pakinabangan ng lahat ng mga kawani.
Hinalinhan ni G. Locsin si Secretary Alan Peter S. Cayetano noong nakalipas na Sabado.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |