Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Xi Jinping, binanggit ang mga pagtutulungan ng Pilipinas at Tsina

(GMT+08:00) 2018-11-19 21:36:51       CRI

ISANG araw bago sumapit ang kanyang pagdalaw sa Pilipinas, sinabi ni Chinese President Xi Jinping na umaasa siyang makararating sa magandang bansang patuloy na umuunlad at tahanan ng matatapat at mapagkaibigang mga mamamayan.

Ito ang kanyang pahayag sa pamamagitan ng isang statement na inilabas ng Embahada ng Tsina sa mga mamamahayag na nalathala sa mga malalaking pahayagan sa Metro Manila.

Sa dating malamig na relasyon ng dalawang bansa, nagbago ito at natungo sa pagtutulungan na nakikita sa pagbabago ng relasyon.

Sa halip na igiit ng Pamahalaan ng Pilipinas ang desisyon ng arbitral tribunal, isinaisangtabi ni Pangulong Duterte ang naging desisyon kasabay nang pagsasabing babanggitin niya ito sa tamang panahon sa kanyang anim na taong panunungkulan.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Pangulong Xi na sa dalawang taon pa lamang, ang Tsina na ang naging pinakamalaking bansa sa kalakalan at pinakamalaking pinagmumulan ng mga inaangkat at ikalawang pinagmumulan ng mga turista. Lumago na rin ang private investments sa pagitan ng dalawang bansa. Sinabi rin ni Pangulong Xi na mas maraming mga prutas na mula sa Pilipinas ang kanilang bibilhin samantalang ang mas magagandang mga pook sa Pilipinas ang ipinakikilala na sa mga Tsinong maglalakbay.

Suportado rin ng Tsina ang pakikidigma ng Pilipinas laban sa illegal na droga na kanila umanong napag-usapan ni Pangulong Duterte. Binanggit ng pangulo ng Tsina ang apat na sandigan ng pagtutulungan. Kabilang dito ang pagtitiwala sa bawat isa sa pamamagitan ng mga konsultasyon, pagtutulungan sa mga isyung bumabalot sa karagatan.

MENSAHE NI PANGULONG XI JINPING, INILATHALA.  Na sa front pages ng Daily Tribue, Philippine Star at Manila Bulletin ang mensahe ni Pangulong Xi sang ara bago ang kanyang pagdating sa Pilipinas.  (Melo M. Acuna)

Pangalawa ang pagkakaroon ng pagtutulungan upang higit na mapatibay ang pagkakaibigan ng dalawang bansa tulad ng pamamagitan ng Belt and Road Initiative. Nais ding buhayin ng Tsina ang sinaunang Silk Road.

Ito ang tugon ni Pangulong Xi sa pahayag ni American Vice President Mike Pence na malulubog sa utang ang mga bansang mapapasama sa Belt and Road Initiative.

Nais din ni Pangulong Xi na pamawakin ang pagtutulungan sa mga isyu ng tanggilang pambansa, drug control, counter terrorism at law enforcement. Matagal nang umasa ang Pilipinas sa Estados Unidos.

Pangatlo ang pagpapatibay ng ugnayan ng mga mamamayan ng dalawang bansa, pagtutulungan ng mga partido politikal, kongreso, think tank at maging sa local level.

Pang-apat na prayoridad ni Pangulong Xi ang pagtutulungan ng Tsina at Pilipinas upang mapalalim ang East Asia Cooperation kasama na rin ang United Nations at ang World Trade Organization. Nangangako ang Tsina sa payapang pagpapaulad at magiging sandigan ng kapayapaan at katatagan para sa Asia Pacific region at sa mas malawak na bahagi ng daigdig.

1  2  3  4  
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>