|
||||||||
|
||
Mas magandang pagtutulungan sa pagitan ng Tsina at Pilipinas sa pagsugpo sa mga krimen
NANINIWALA si Police Chief Supt. Benigno Durana, Jr. na higit na gaganda ang pagtutulungan ng Philippine National Police at ng Ministry of Public Safety ng Tsina sapagkat nagkaroon na ng tatlong operasyon ang dalawang puwersa na naging dahilan upang madakip ang may 170 mga Tsino na sangkot sa illegal na gawain kamakailan.
Naipatapon na rin ang mga nadakip pabalik sa Tsina, dagdag pa ni C/Supt Durana sa isang panayam sa kanyang tanggapan sa Kampo Crame.
Nagpapasalamat din ang Philippine National Police sa ipinadalang tulong sa pamamagitan ng mga sandata ng Tsina na sinabayan ng milyun-milyong bala sa kasagsagan ng mga sagupaan sa Marawi City na nagmula noong ika-23 ng Mayo noong nakalipas na taon.
Umaasa rin siya na higit na magkakaroon ng pagpapalitan ng pagdalaw sa mga opisyal na Filipino at Tsino sa hinaharap. May nagaganap na ring mga konsultasyon upang mabatid ang mga paraan ng pagsugpo sa transnational crimes, illegal drugs at iba pang krimen na nakatatawid ng mga hangganan tulad ng cyber fraud at online gambling.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |