|
||||||||
|
||
Pagpasok ng mga prutas mula sa Pilipinas at makinarya mula sa Tsina, inaasahan
SA pagdalaw ni Pangulong Xi Jinping bukas, umaasa si Agriculture Secretary Emmanuel F. Piñol na higit na makapapasok ang mga produkto mula sa mga sakahan sa Pilipinas tulad ng mga manga, saging, avocado at iba pa sa pamilihang may isang bilyon, apat na raang milyong mga mamamayan.
Marami at malaki ang inaasahan ng Pilipinas sa pagkakaroon ng dagdag na kaalaman sa rice technology at mga makinaryang makatutulong sa mga magsasaka.
MAKIKINABANG ANG PILIPINAS AT TSINA SA MAS MALAPIT NA PAGKAKAIBIGAN. Ito ang paniniwala ni Agriculture Secretary Emmanuel F. PInol sa isang panayam. (Melo M. Acuna)
Sa isang panayam, sinabi ni G. Piñol na malaki ang papel ng rice technology tulad ng hybrid rice upang matugunan ang pangangailangan sa butil ng lumalagong bilang ng mga mamamayan sa Pilipinas.
Nakaharap na umano niya si Pangulong Xi Jinping sa pagdalaw ni Pangulong Dutert4e noong nakalipas na 2016. Naniniwala siyang isang magaling at malakas na pinuno ng bansa ang dadalaw na pangulo ng Tsina bukas.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |