|
||||||||
|
||
Pagdalaw ni Pangulong Xi, magpapalalim sa pagkakaibigan ng dalawang bansa
SINABI ni Finance Asst. Secretary Antonio Joselito Lambino II na isang magandang pagkakataon ang pagdalaw bukas ni Pangulo0ng Xi Jinping sapagkat higit na magpapalakas ito sa pag-uugnayan ng Tsina at Pilipinas na nasimulan no0ong unang pagdalaw ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Beijing noong Oktubre ng 2016.
Sa isang panayam, sinabi ni G. Lambino na isang pagkakataon ito upang higit na mapalawak ang pagkakaibigan ng dalawang bansa sa pagpapalitan ng mga kawani ng pamahalaan, Akademya, kalakal at maging civil society.
Binanggit niya ang pagkakaroon ng mga grant at Official Development Assistance o ODA tulad ng Chico River Pump Project na makatutulong magpadaloy ng tubig sa may 8,700 ektaryang lupain at makatutugon sa pangangailangan ng mga magsasaka sa maaasahang tubig. Matatapos ang proyektyo sa loob ng tatlong taon. Ang bahagi ng proyekto na utang ay tutustusan ng US$ 62 milyong pautang na may mababang interes.
FINANCE ASST. SECRETARY ANTONIO JOSELITO LAMBINO II, NAGAGALAK SA MAKASAYSAYANG PAGDALAW NI PANGULONG XI. Sa sang panayam, sinabi ni G. Lambino na nagpapasalamat ang kanilang tanggapan sa mababang interes ng ipinataw sa Official Development Assistance ng Tsina sa mga proyektong may kinalaman sa mga pagawaing-bayan. (Melo M. Acuna)
Niliwanag ni G. Lambino na ang Build, Build, Build project ng Pamahalaang Duterte ay naglalayong magkaroon ng magandang kalakalan sa pagitan ng mga mamamayan at ng mga na sa pamilihan upang higit na sumigla ang small and medium enterprises (SMEs). Ito rin ang layunin ng Belt and Road Initiative na magkaroon ng mas magandang pagpapadaloy ng kalakal sa iba't ibang bansa, ang pag-uugnay ng mga mamamayan sa mga pamilihan.
Mahalaga ang pagtutulungan sapagkat naging maganda na ang kalakalan ng dalawang bansa sa nakalipas na isang libong taon, dagdag pa ni G. Lambino. Samantala, umaasa rin siya na higit na mamimili ang Tsina ng mga produktong mula sa Pilpinas tulad ng saging, manga, pinya at mga naprosesong pagkain na kinagigiliwan ng mga mamimili sa Tsina.
Kung noong nakalipas na taon ay nagkamit ang Pilipinas ng US$ 45.9 milyong foreign direct investments mula sa Hong Kong at Tsina, umabot na ito sa US$ 411 milyon sa unang anim na buwan ng taong 2018. Nahigitan na rin ang isang milyong Tsinong turista na ipinangako ni Pangulong Xi sa kanilang pagtatagpo kay Pangulong Duterte sa Beijing noong 2016. Higit na umano sa isang milyong turistang Tsino ang nakarating sa Pilipinas sa pagtatapos ng Agosto ng taong ito.
Darating si Pangulong Xi bukas matapos ang Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Port Moresby sa Papua New Guinea at sa kanyang state visit sa Brunei Darussalam.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |