|
||||||||
|
||
Mga Sangkap
½ tasa ng toasted cashew nuts
1 katamtamang laking sibuyas
5 butil ng bawang
1-inch na piraso ng luya
1 kutsarita ng chili powder
2 kutsarita ng turmeric
1 kutsarita ng durog na coriander
1 kutsarita ng cumin
½ kutsarita ng cardamom
½ kutsarita ng cinnamon
½ kutsarita ng kinadkad na niyog
2 kutsara ng vegetable oil
215 ounces ng chickpeas
3 kutsara ng tomato paste
Asin at paminta
Zest ng 1 lemon
1.5 cups ng cashew milk
Paraan ng Pagluluto
Sa isang food processor, i-puree ang toasted cashews, sibuyas, bawang, luya spices at niyog. Isalin ang makukuhang likido sa kaserola, at sa mahinang apoy, pakuluan kasama ng vegetable oil. Halu-haluin habang pinakukuluan. Idagdag ang chickpeas, tomato paste, asin at paminta at ang lemon zest at ituloy pa ang paghahalo sa loob ng 10 minutes. Bawasan pa ang apoy at idagdag ang cashew milk at ilaga sa loob ng 15 minutes hanggang sa lumapot ang sauce. Pagkaraan niyan, puwede nang i-serve.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |