|
||||||||
|
||
Mga Sangkap
250 grams ng flavored dried tofu
150 grams ng celery
2 stalks ng spring onion
2 kutsarita ng cooking wine
Asin, red chili at pamintang durog ayon sa panlasa
2 kutsara ng vegetable oil
Paraan ng Pagluluto
Hiwahiwain nang manipis ang tofu. Tanggalin ang mga dahon at ugat ng celery at hugasan nang mabuti ang mga tangkay. Hiwa-hiwain nang pahalang at maikli ang mga tangkay. Hugasan at tadtarin ang spring onion. Pakuluan ang celery sa loob ng 1 minute tapos hanguin at patuluin.
Sa isang kawali, initin ang 2 kutsara ng vegetable oil tapos igisa ang chili pepper at spring onion hanggang lumutang ang bango. Idagdag ang celery tapos isunod ang dried tofu. Ituloy pa ang paghahalo sa loob ng 2 minutes. Timplahan ng cooking wine, asin at red pepper. Ilipat sa isang serving dish bago ihain.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |