|
||||||||
|
||
Mga Pangunahing Sangkap:
300 grams ng sweet corn
50 grams ng pine nuts
Para sa Seasoning:
20 grams ng vegetable oil
5 grams ng asin
5 grams ng asukal
Isang piraso ng carrot
Kalahating piraso ng cucumber o isang bell pepper
30 grams ng mixture of cornstarch and water
Paraan ng Pagluluto:
1、Hiwain ang carrot at cucumber o bell pepper nang pa-cube at kasinlaki ng butil ng sweet corn. Pakuluan ang sweet corn sa boiler sa loob ng dalawa hanggang tatlong minuto.
2、Painitin ang frying pan pero huwag lalagyan ng mantika. Isangag ang pine nuts nang walang mantika at pag nagbago na ang kulay alisin at itabi muna.
3、Mag-init ng mantika sa frying pan tapos ilagay ang sweet corn at carrot o bell pepper. Igisa sa loob ng 30 seconds tapos isunod ang pine nuts, asin, asukal at mixture of cornstarch and water. Ituloy pa ang paggisa at kung pantay na ang pagkakagisa pwede nang i-serve.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |