|
||||||||
|
||
Pangunahing Sangkap:
Dalawang talong na tumitimbang ng mula 400 hanggang 500 grams
Para sa seasoning:
100 grams ng vegetable oil
5 grams ng asin
5 grams ng asukal
10 grams ng sweet fermented soy bean paste
5 grams ng tinadtad na sibuyas-Tagalog
5 grams ng tinadtad na bawang
30 grams ng mixture of cornstarch and water
Paraan ng Pagluluto:
Talupan ang talong, tanggalin ang tangkay tapos hiwain nang pa-cube.
Magbuhos ng 80 grams ng mantika sa frying pan at painitin ang mantika. Pag mainit na, ihulog ang talong at igisa hanggang sa lumambot tapos itabi muna.
Magbuhos ng 20 grams ng mantika sa kawali. Ihulog ang tinadtad na sibuyas-Tagalog pag mainit na ang mantika. Isunod ang talong pag nalanghap na ninyo ang bango ng sibuyas. Igisa sa loob ng ilang segundo tapos ilagay ang asin, asukal, soy bean paste at ang mixture of cornstarch and water. Ilagay sa ibabaw ang tinadtad na bawang tapos igisa pa nang kaunti. Isilbi.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |