|
||||||||
|
||
Pangunahing Sangkap
500 grams ng belly pork, 1 buong piraso
2 kutsarita ng malapot na black soya sauce
2 butil ng bawang, tinadtad
250 grams ng taro yam o gabi, tinalupan
8-10 dahon ng litsugas o lettuce leaves
Para sa Gravy
6 na kutsara ng pork stock
1 kutsara ng malabnaw na soya sauce
1 kutsarita ng malapot na soya sauce
1 kutsarita ng cornflour
1/4 na kutsarita ng vetsin
1 kutsarita ng asukal
1 kutsarita ng sesame oil
2 kutsarita ng salted soya beans, niligis
1/4 na kutsarita ng puting paminta
Paraan ng Pagluluto
Ilaga ang pork belly sa loob ng 20 minuto tapos hanguin pero huwag itatapon ang tubig na pinaglagaan. Pahiran ng black soya sauce ang karne at itabi.
Initin ang mantika sa kawali. Igisa ang bawang tapos alisin. Nasa itaas ang balat, iprito ang karne sa lasang bawang na mantika sa loob ng 3 minuto. Baligtarin at iprito ang kabilang bahagi sa loob ng 2-3 minuto. Hanguin, patuluin at hayaang lumamig. Pagkaraan, hiwa-hiwain sa sukat na 1 sentimetro o 1 centimeter.
Hiwahiwain ang gabi o taro sa sukat na 5 milimetro of 5 millimeters tapos iprito sa loob ng 2-3 minuto. Hanguin at patuluin.
Paghalu-haluin ang lahat ng gravy ingredients sa isang kaserola at ilaga sa loob ng 5 minuto. Ipahid ang mixture na ito sa mga hiwa ng karne at gabi. Salit-salit na ilagay ang mga karne at gabi sa isa isang bowl. Takpan ang bowl at ilagay sa steamer. Lutuin ang karne at gabi hanggang sa lumambot (mga 1 1/2 hanggang 2 oras).
Ihulog ang mga dahon ng litsugas sa kumukulong tubig. Dagdagan ng kaunting cooking oil. Hanguin, patuluin at iayos sa isang serving platter. Salit-salit na ilagay ang mga hiwa ng karne at gabi sa ibabaw ng mga dahon ng litsugas at isilbi.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |