|
||||||||
|
||
Mga Sangkap
2 tasa ng tubig
2 1/2 kutsarita ng agar-agar powder
1 tasa ng evaporated milk
1/2 tasa ng asukal
1/2 kutsarita ng almond essence
1 malaking lata ng lychees
Paraan ng Pagluluto
Ibuhos ang 2 tasa ng tubig sa kaserola tapos ibudbod ang agar agar powder sa ibabaw ng tubig. Pakuluin sa loob ng 5 minuto. Idagdag ang evaporated milk at asukal tapos haluin nang marahan hanggang sa matunaw ang asukal. Idagdag ang almond essence tapos tikman kung tama na ang lasa. Ilipat sa isang rectangular o square na liyanera at hayaang lumamig. I-refrigerate kasabay ng lata ng prutas sa loob ng isang oras.
Sa oras ng pagsisilbi, hiwain nang pa-diamond ang almond jelly. Isalin ang lychees sa malaking bowl. Isama ang mga piraso ng almond jelly at haluin nang marahan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |