|
||||||||
|
||
Pangunahing Sangkap
500 grams ng beef o karne ng baka
200 grams ng patatas
Para sa Seasoning
50 grams ng vegetable oil
20 grams ng soya sauce
20 grams ng cooking wine
5 grams ng star anise
5 grams ng prickly ash
10 grams ng asin
20 grams ng asukal
10 shallot, ginayat nang pino
10 grams ng luya, tinadtad
20 grams ng mixture of cornstarch and water
Paraan ng Pagluluto
Hiwain ang karne ng baka at patatas nang pa-cube sa sukat na 3 centimeters. Pakuluan sa loob ng 2-3 minuto at hanguin.
Initin ang mantika sa kawali tapos igisa ang shallots at luya hanggang lumutang ang bango. Idagdag ang beef cubes, soya sauce, cooking wine, asukal at asin, at ituloy pa ang paggisa hanggang magpantay ang pagkakagisa. Idagdag ang tubig, prickly ash at star anise tapos pakuluin. Bawasan ang apoy at i-braise o kulubin sa loob ng 30-50 minuto. Pagkaraan, idagdag ang patatas, at pag malambot na ang patatas, idagdag ang mixture of cornstarch and water tapos dagdagan ang apoy. Pag kaunting-kaunti na lang ang natitirang sauce, isalin sa serving dish at ihain.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |