|
||||||||
|
||
Pangunahing Sangkap
Sariwang winter melon, tumitimbang ng mga 500 grams
Para sa Seasoning
1 putol ng luya, tinadtad
1 berdeng sibuyas, tinadtad
2 butil ng bawang, ginayat nang manipis
Asin
Mixture of cornstarch and water
Toyo
Paraan ng Pagluluto
Talupan at hugasan ang winter melon tapos hiwa-hiwain nang
makapal.
Lagyan ng 3/4 na dami ng tubig ang kawali. Pakuluin ang tubig tapos idagdag ang mga piraso ng winter melon. Hayaang kumulo ang tubig sa loob ng mga 1 minuto. Pag malambot na ang mga piraso ng winter melon, hanguin ang mga ito at ilipat sa isang malaking bowl o malalim na plato. Ilagay ang asin, toyo, tinadtad na sibuyas, tinadtad na luya, ginayat na bawang at ang mixture of cornstarch and water. Haluing mabuti at itabi muna.
Tanggalin ang tubig sa kawali tapos painitin ito at ilagay ang mantika. Itagi-tagilid ang kawali para malagyan din ng mantika ang mga gilid nito. Idagdag ang itinabing seasoning juice at igisa sa loob ng 20 seconds hanggang lumutang ang bango. Idagdag ang pinakuluang mga piraso ng winter melon at ituloy pa ang paggisa hanggang ma-absorb ng mga piraso ng winter melon ang bango. Patayin ang apoy, sandukin ang mga piraso ng winter melon at isalin sa serving plate-- at isilbi.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |