|
||||||||
|
||
Pangunahing Sangkap
500 grams ng pork ribs
Para sa Seasoning
80 grams ng mantika (vegetable oil)
10 grams ng asin
50 grams ng asukal
20 grams ng suka
10 grams ng prickly ash
10 grams ng cooking wine
10 grams ng luya, tinadtad
10 grams ng sibuyas Tagalog, tinadtad
200 milliliters ng bagong lutong soup o tubig
Paraan ng Pagluluto
Putulin ang pork ribs nang pakuwadrado sa sukat na 8 centimeters. Pakuluan sa loob ng 2-3 minutes tapos hanguin. Ibuhos sa ibabaw ng karne ng cooking wine, at ibudbod ang asin, prickly ash, tinadtad na luya at tinadtad na sibuyas Tagalog. Pausukan sa loob ng 30-50 minutes.
Mag-init ng 60 grams ng mantika sa kawali at igisa ang rib squares hanggang magkulay brown tapos hanguin at itabi muna.
Mag-init ng 20 grams ng mantika sa kawali tapos idagdag ang asukal, suka at bagong lutong soup o tubig. Isunod ang rib squares at igisang mabuti. Bawasan ang apoy at hayaang kumulo ang sabaw. Pag nag-evaporate na ang sabaw, ilipat sa serving dish at ihain.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |