|
||||||||
|
||
Mga Sangkap
Baby cabbage (tumitimbang ng mga 400 grams)
1 preserved egg
1 bell pepper
1 bowl ng chicken broth
Green onion (tinadtad)
Mga piraso ng bawang
Mixture of cornstarch and water
Paraan ng Pagluluto
Hugasan at hiwain nang pahaba at sa 4 na bahagi ang baby cabbage. Itabi muna pagkatapos.
Hugasan ang buksan ang bell pepper para matanggal ang mga buto tapos gayatin nang pakuwadrado at itabi muna. Hugasan ang preserved egg pagkaraang matanggal ang balat tapos hiwain nang pa-cube.
Mag-init ng mantika sa kawali. Igisa ang mga piraso ng bawang sa loob ng mga 5 seconds hanggang sa lumutang ang bango. Ibuhos ang chicken broth at pakuluin. Idagdag ang baby cabbage at ang preserved egg at pakuluan sa loob ng 2-3 minutes hanggang lumambot ang cabbage. Bawasan ang apoy at hanguin ang cabbage at ilipat sa isang bowl.
Dagdagan muli ang apoy tapos ilagay ang bell pepper at pakuluan sa loob ng 1 minuto. Lagyan ng asin at palaputin ang sabaw sa pamamagitan ng mixture of cornstarch and water. Patayin ang apoy tapos ibuhos ang malapot na chicken broth sa baby cabbage. Budburan ng tinadtad na green onion bago ihain.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |