Xi Jinping: Tsina at Singapore, palalalimin ang pragmatikong kooperasyon

2020-10-03 13:37:45  CMG
Share with:

Sinabi ngayong araw, Sabado, ika-3 ng Oktubre 2020, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na nakahanda ang kanyang bansa, kasama ng Singapore, na palalimin ang pragmatikong kooperasyon sa iba’t ibang aspekto, pasulungin ang magkakasamang konstruksyon ng Belt and Road sa mataas na kalidad, at pangalagaan ang multilateralismo at malayang kalakalan.

 

Winika ito ni Xi sa kanyang mensahe kay Pangulong Halimah Yacob ng Singapore, bilang pagbati sa ika-30 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.

 

Ipinahayag din ni Xi, na nitong nakalipas na 30 taon, iginigiit ng Tsina at Singapore ang pag-unawa at pagsuporta sa isa’t isa, at pagpapaunlad ng kanilang relasyon. Aniya, ang kooperasyon ng dalawang bansa ay naging modelo sa kapwa rehiyon at daigdig.

 

Sa kanya namang mensaheng pambati kay Xi, sinabi ni Halimah, na sa loob ng 30 taon, masiglang umuunlad ang relasyon ng Singapore at Tsina, tuluy-tuloy na sumusulong ang pragmatikong kooperasyon, at humihigpit ang pagpapalitan ng mga mamamayan.

 

Nananalig aniya siyang matatamo ng relasyon ng dalawang bansa ang mas malaking pag-unlad sa darating na 30 taon.

 

Salin: Liu Kai

Please select the login method