Paninindigan ng Tsina sa isyu ng Hong Kong at Xinjiang, kinatigan ng maraming bansa; panig Tsino: ang katarungan ay nag-uugat sa puso ng mga tao

2020-10-10 15:43:10  CMG
Share with:

Sa panahon ng pangkalahatang debatehan ng Ika-3 Komite ng Pangkalahatang Asambleya ng United Nations (UN), nagtalumpati ang maraming bansa bilang pagkatig sa paninindigan ng Tsina sa mga isyung may kinalaman sa Hong Kong at Xinjiang. Kaugnay nito, sinabi nitong Biyernes, Oktubre 9, 2020 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ito ay muling nagpapatunay na ang katarungan ay nag-uugat sa puso ng mga tao. Muling nabigo ang tangka ng iilang bansang kanluranin sa pagdungis sa Tsina, sa katwiran ng mga isyung may kinalaman sa Hong Kong at Xinjiang.
 

Napag-alaman, hanggang sa kasalukuyan, sama-samang  nilagdaan ng 57 bansa ang magkakasanib na pahayag kaugnay ng isyu ng Hong Kong, 48 bansa naman ang lumagda sa magkakasanib na pahayag hinggil sa isyu ng Xinjiang.
 

Saad ni Hua, hinangaan ng nasabing mga bansa ang isang serye ng mga hakbanging isinagawa ng Tsina sa pagharap sa terorismo at ekstrimismo sa Xinjiang, alinsunod sa batas. Tinututulan aniya ng nasabing mga bansa ang pagsasapulitika at pagsasagawa ng double standard sa isyu ng karapatang pantao, at tinututulan din ang walang batayang pagbatikos at walang katwirang pakikialam sa mga suliranin ng Tsina.
 

Diin niya, buong tatag na tinututulan ng panig Tsino ang paglikha ng anumang tao, bansa at puwersa ng kawalang katatagan, paghihiwalay at kaguluhan sa Tsina, at buong tatag ding tinututulan ang manipulasyong pulitikal at pakikialam sa mga suliraning panloob ng Tsina, sa katwiran ng mga isyung may kinalaman sa Hong Kong at Xinjiang.
 

Salin: Vera

Please select the login method