Kalakalang panlabas ng Tsina, lumago ng 0.7% noong unang tatlong kuwarter ng 2020

2020-10-13 16:04:12  CMG
Share with:

Ayon sa estadistikang inilabas Martes, Oktubre 13, 2020, ng Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ng Tsina, noong unang tatlong kuwarter ng taong ito, 23.12 trilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng mga paninda ng Tsina, at ito ay lumaki ng 0.7% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon.
 

Noong ika-3 kuwarter, 8.88 trilyong yuan ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng Tsina. Kabilang dito, 5 trilyong yuan ang kabuuang halaga ng pagluluwas, na lumaki ng 10.2%, at 3.88 trilyong yuan naman ang pag-aangkat, na lumago ng 4.3%.
 

Sa pangkalahatang pananaw, noong unang kuwarter ng taong ito, 12.71 trilyong yuan ang pagluluwas ng Tsina, na lumaki ng 1.8%, at 10.41 trilyong yuan ang pag-aangkat, na bumaba ng 0.6%.
 

Kung mga pangunahing trade partner ang pag-uusapan, noong unang tatlong kuwarter ng kasalukuyang taon, 3.38 trilyong yuan RMB ang pag-aangkat at pagluluwas ng Tsina sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), at ito ay lumaki ng 7.7%. Kasunod nito ay Unyong Europeo, Amerika, Hapon at Timog Korea, na 3.23 trilyon, 2.82 trilyon, 1.61 trilyon, 1.45 trilyon, ayon sa pagkakasunud-sunod.
 

Gayun pa man, inangkat at iniluwas ng Tsina ang 6.75 trilyong yuan RMB na paninda sa mga bansa sa kahabaan ng Belt and Road, at ito ay lumaki ng 1.5%.
 

Salin: Vera

Please select the login method