Sa news briefing nitong Lunes, Oktubre 12, 2020, muling binigyang-diin ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, Direktor-Heneral ng World Health Organization (WHO), na ang herd immunity ay magagawa sa pamamagitan ng pagbabakuna lamang.
Aniya, sa kasaysayan ng kalusugang pampubliko, hindi kailanman ginawang pamamaraan ng pagharap sa epidemiya ang herd immunity.
Saad ni Ghebreyesus, di-siyentipiko at imoral ang pagpapatupad ng herd immunity sa pamamagitan ng paghawa ng virus na tinatalakay ng ilang tao.
Isinalaysay naman ni Soumya Swaminathan, Chief Scientist ng WHO, na sa kasalukuyan, nasa clinical trials ang halos 40 uri ng bakuna ng COVID-19 sa buong mundo. Kabilang dito, 10 ang pumasok na sa phase III clinical trial. Tinayang sa darating na 6 hanggang 12 buwan, isasapubliko ang resulta ng clinical trial ng maraming bakuna.
Salin: Vera