CMG Komentaryo: Walang-hiyang kasinungalingan ng mga pulitikong kanluranin para dungisan ang Xinjiang, kapani-paniwala ba?

2020-10-21 16:28:56  CMG
Share with:

Inilabas kamakailan ng mga organong gaya ng Australian Strategic Policy Institute (ASPI) ang umano’y ulat na may kinalaman sa Xinjiang, kung saan naninirang-puring pinagbintangang nangyayari sa Xinjiang ng Tsina ang “malawakang sapilitang pagtatrabaho.” Sa pamamagitan ng katwirang ito, siniraang-puri ng ilang pulitikong kanluranin ang kalagayan ng karapatang pantao sa Xinjiang, at sinasadyang batikusin ang patakaran ng pamahalaang Tsino sa pangangasiwa sa Xinjiang.
 

CMG Komentaryo: Walang-hiyang kasinungalingan ng mga pulitikong kanluranin para dungisan ang Xinjiang, kapani-paniwala ba?_fororder_20201021Xinjiang1

May katotohanan ba ito? Inilabas nitong Martes, Oktubre 20, 2020 ng Sentro ng Pananaliksik sa Pag-unlad ng Xinjiang ang ulat ng imbestigasyon sa paghahanap-buhay ng etnikong minorya ng Xinjiang.
 

Pagkaraan ng pagsusuri, ipinalalagay ng grupo ng dalubhasa na nakakatulong ang lokal na pamahalaan ng Xinjiang at ibang mga departamento sa iba’t ibang antas sa mga taga-Xinjiang pagdating sa pagtatrabaho, lubos na tinitiyak ang paggalang sa mga pundamental na karapatan ng mamamayan sa Xinjiang, at walang “sapilitang pagtatrabaho” sa Xinjiang.
 

CMG Komentaryo: Walang-hiyang kasinungalingan ng mga pulitikong kanluranin para dungisan ang Xinjiang, kapani-paniwala ba?_fororder_20201021Xinjiang2
Naglakbay ang grupo ng dalubhasa sa mahigit 70 kompanya sa iba’t ibang lugar ng Xinjiang, nakisalamuha sila sa mahigit 800 manggagawa, at sinaliksik ang 26 na opisyal na dokumento at 48 papers hinggil sa temang ito na inilathala mula noong 2005.

Ayon sa estadistika, mula noong 2014 hanggang 2019, umabot sa 6.957 milyon ang mga mamamayang sumailalim sa skills training sa Xinjiang, at ang 2.325 milyon sa mga ito ay mula sa apat na prefectures ng dakong Timog na bahagi ng Xinjiang.

CMG Komentaryo: Walang-hiyang kasinungalingan ng mga pulitikong kanluranin para dungisan ang Xinjiang, kapani-paniwala ba?_fororder_20201021Xinjiang3

CMG Komentaryo: Walang-hiyang kasinungalingan ng mga pulitikong kanluranin para dungisan ang Xinjiang, kapani-paniwala ba?_fororder_20201021Xinjiang4

Itinatag sa rehiyong ito ang 379,400 bagong kumpanya na nagkakaloob ng 827,400 trabaho. Ibig sabihin, sinimulan ng 75,900 katao ang kanilang negosyo bawat taon.

Sa pamamagitan ng tulong ng pamahalaan, nakuha ng mga mamamayan ang kasiya-siyang trabaho. Ayon sa estadistika, mula noong 2014 hanggang 2019, 16.57 milyong rural laborers ng Xinjiang ay nagkaroon ng trabaho sa labas ng nayon, umabot sa 2.762 milyon ang taunang average, na kinabibilangan ng 10.07 milyon mula sa dakong timog ng Xinjiang, na may 1.678 milyon na taunang average.
 

Sa harap ng maraming ebidensya, kapani-paniwala ba ang mga ibinibintang tungkol sa Xinjiang na niluto ng ilang kanluraning think tank at pulitiko?
 

Ang determinasyon ng mga mamamayan ng etnikong minorya ng Xinjiang sa paghahanap ng matinong trabaho at maligayang pamumuhay ay hinding-hindi maaapektuhan ng anumang tsismis at paniniraang-puri. Ang lahat ng mga walang-hiyang kasinungalingan ay tiyak na papabagsakin, sa harap ng kasaganaan at katatagan ng Xinjiang.
 

Salin: Vera

Please select the login method