Sa news briefing ng Joint Prevention and Control Mechanism ng Konseho ng Estado ng Tsina nitong Martes, Oktubre 20, 2020, sinabi ni Tian Baoguo, Opisyal ng Ministri ng Siyensiya’t Teknolohiya ng Tsina, na ipinakikita ng pananaliksik na ang mutasyon ng coronavirus ay walang substensyal na epekto sa pananaliksik at pagpoprodyus ng bakuna.
Ani Li, laging binibigyan ng grupo ng pananaliksik ng lubos na pansin ang isyu ng mutasyon ng virus. Sa kasalukuyan, may halos 150,000 genome sequences ng novel coronavirus sa global database, at sumasaklaw ito sa mahigit 100 bansa’t rehiyon ng buong mundo.
Ang resulta ng paghahambing at pag-aanalisa sa mahigit 80,000 de-kalidad na genome sequences ng virus ay nagpapakitang kaunti ang mutasyon ng virus, at wala itong substansyal na epekto sa pananaliksik at pagdedebelop ng buakuna.
Salin: Vera