Tagapagsalita ng WHO, malugod na tinatanggap ang pagsali ng Tsina sa COVAX

2020-10-27 16:07:31  CMG
Share with:

Sa kanyang eksklusibong panayam ng China Media Group (CMG), inihayag ni Margaret Harris, Tagapagsalita ng World Health Organization (WHO), ang mainit na pagtanggap sa pagsali ng Tsina sa COVID-19 Vaccines Global Access (COVAX).
 

Tinukoy niyang ang pagsapi ng maraming bansa na kinabibilangan ng Tsina sa COVAX ay bunga ng walang katulad na pagsisikap ng buong mundo, at nagpapakita ito ng tunay na pagkakaisa.
 

Tagapagsalita ng WHO, malugod na tinatanggap ang pagsali ng Tsina sa COVAX_fororder_20201027

Saad ni Harris, target ng COVAX na patas na makakuha ang lahat ng mga bansa ng bakuna sa lalong madaling panahon. Aniya, ang pagsapi ng Tsina sa COVAX ay nangangahulugan ng pagsali ng karamihan ng populasyon sa buong mundo para ipagkaloob ang ligtas, mabisa at abot-kayang bakuna sa mga grupong nasa mataas na panganib sa iba’t ibang bansa.
 

Dagdag niya, kailangang kailangan ang komong pagsisikap ng buong daigdig, upang mapasulong ang makatarungang distribusyon ng bakuna, sa pamamagitan ng COVAX.
 

Salin: Vera

Please select the login method