Sinabi nitong Martes, Oktubre 27, 2020 ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na dapat gawing mahalagang pagkakataon ng komunidad ng daigdig ang ika-75 anibersaryo ng pagkakatatag ng United Nations (UN), at ituring na bagong simula ang magkasamang pagharap sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), pag-isahin ang bagong komong palagay, at magkasamang itatag ang komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.
Isang pormal na aktibidad ang itinaguyod nitong Lunes sa punong himpilan ng UN sa New York, bilang paggunita sa ika-75 United Nations Day.
Sa okasyong ito, ipinahayag ni Antonio Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng UN, na ngayon, higit kailanman nagiging mas mahalaga ang misyon ng UN.
Samanatala, sinabi ni Wang na sa kanyang pagdalo sa kaukulang pulong sa mataas na antas, malinaw na inihayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang buog tatag na paninindigan ng bansa sa paggigiit sa multilateralismo, pangangalaga sa awtoridad ng UN, pagtahak sa landas ng mapayapang pag-unlad, kooperasyon at win-win situation, at pagpapasulong sa pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.
Ipinarinig din aniya ng mga lider ng iba’t ibang bansa ang kanilang tinig hinggil sa pangangalaga sa multilateralismo, pagkatig sa papel ng UN, pagpapalakas ng pagkakaisa at koordinasyon, at pagtutulungan para harapin ang mga hamong pandaigdig.
Salin: Vera