Kaugnay ng ika-67 anibersaryo ng pagkamit ng kasarinlan ng Kambodya, isang mensaheng pambati ang ipinadala nitong Lunes, Nobyembre 9, 2020 ni Premyer Li Keqiang ng Tsina sa kanyang Cambodian counterpart na si Hun Sen.
Saad ni Li, nitong nakalipas na ilang taon, walang humpay na natamo ng Kambodya ang mga bagong tagumpay sa iba’t ibang aspektong gaya ng pagpapaunlad ng kabuhayan, pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan at iba pa. Nagpunyagi aniya ang dalawang bansa sa pagpapasulong sa pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan, at tuluy-tuloy na lumalalim ang kanilang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan sa iba’t ibang larangan.
Dagdag ni Li, nakahanda siyang ipatupad, kasama ni Hun Sen, ang plano sa pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at Kambodya, at pabutihin ang mga pangunahing kooperasyon sa iba’t ibang larangan.
Salin: Vera
Pangulong Tsino, nagpadala ng mensaheng pambati sa ika-67 Araw ng Kalayaan ng Kambodya
Xi Jinping: Walang humpay na pataasin sa bagong lebel ang partnership ng Tsina at Kambodya
Tsina at Kambodya: lalo pang palalakasin ang komprehensibong kooperasyon
Kooperasyong Sino-Kambodyano sa iba’t-ibang larangan, nananatiling malakas