Ang China International Import Expo (CIIE) ay isang eksibisyon para sa hindi lamang mga malaking transnayonal na kompanya ng daigdig, kundi rin mga di-maunlad na bansa.
Sa katatapos na ika-3 CIIE, nagtanghal ang 30 di-maunlad na bansa, at lumampas sa 4 na libong metro kuwadrado ang kabuuang saklaw ng exhibition area nila.
Sa nagdaan namang dalawang CIIE, sa pag-oorganisa ng International Trade Centre, nagtanghal din ang halos 100 maliit at katamtamang-laking bahay-kalakal mula sa mahigit 20 di-maunlad na bansa.
Ipinagkaloob din ng ekspo ang mga preperensyal na patakaran sa mga di-maunlad na bansa, na gaya ng libreng serbisyo ng paghahatid ng mga eksibit, pagsasagawa ng mga espesyal na business matchup, at iba pa.
Sinabi minsan ni Keith Rockwell, Tagapagsalita ng World Trade Organization, na sa pamamagitan ng CIIE, nai-promote sa Tsina at ibang mga bansa ang mga bahay-kalakal ng mga di-maunlad na bansa, at nagdulot ito ng pagkakataon sa kanila para makisangkot sa pandaigdig na sistema ng kalakalan.
Ipinalalagay naman ng isang propesor ng University of Johannesburg ng Timog Aprika, na ang pagbibigay-tulong ng Tsina sa mga di-maunlad na bansa sa paglahok sa CIIE ay pagsuporta sa kanila para makahulagpos sa kahirapan.
Ang pagsisikap na ito ng Tsina ay makakatulong sa pagbabago ng di-balanseng pag-unlad ng buong mundo, at pagsasakatuparan ng komong pag-unlad. Ipinakikita nito ang responsibilidad ng Tsina bilang isang malaking bansa, at ito rin ay alinsunod sa ideya ng Tsina tungkol sa pagtatatag ng komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.
Salin: Liu Kai