Panig Tsino: Ikinalulugod ang pagpapanumbalik ng phase III clinical trial ng bakuna ng COVID-19 sa Brazil

2020-11-13 16:33:04  CMG
Share with:

Sa regular na preskon nitong Huwebes, Nobyembre 12, 2020, sinabi ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ikinalulugod niya ang pagpapanumbalik ng phase III clinical trial ng bakuna ng COVID-19 sa Brazil.
 

Nananalig aniya siyang ang naturang kooperasyon ay magbibigay ng ambag para talunin ng mga mamamayan ng iba’t ibang bansa ang pandemiya.
 

Ayon sa ulat, inilabas nitong Miyerkules ng National Health Surveillance Agency (Anvisa) ng Brazil ang pahayag, kung saan pinahihintulutan ang muling pagsasagawa ng Sinovac Biotech Company Limited ng Tsina ng clinical trial ng bakuna ng COVID-19.
 

Tinukoy ni Wang na sa proseso ng pananaliksik at pagdedebelop, lubos na pinahahalagahan ng panig Tsino ang kaligtasan at bisa ng bakuna, at mahigpit na sinusunod ang pandaigdigang istandard at may kinalamang batas at regulasyon.
 

Pawang binigyan ng iba’t ibang bansa ng mataas na pagtasa ang pananaliksik at pagdedebelop ng Tsina ng bakuna, dagdag ni Wang.
 

Salin: Vera

Please select the login method