Ipinagdiinan kamakailan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na dapat buong tatag na tumahak sa landas ng pangangasiwa alinsunod sa batas na may katangiang Tsino, at pasulungin ang modernisasyon ng sistema ng pangangasiwa sa bansa at kakayahan sa pangangasiwa, sa landas ng law-based governance.
Diin ni Xi, dapat igiit ang pamumuno ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) sa komprehensibong pangangasiwa sa bansa alinsunod sa batas. Dapat ding pangalagaan ang karapatan at kapakanan ng mga mamamayan, at igarantiya ang maligayang pamumuhay ng mga mamamayan, sa pamamagitan ng rule of law.
Winika ito ni Xi sa Central Work Conference sa Pangangasiwa Alinsunod sa Batas na ginanap sa Beijing mula ika-16 hanggang ika-17 ng Nobyembre, 2020.
Salin: Vera