Sa Central Work Conference sa Pangangasiwa Alinsunod sa Batas na ginanap sa Beijing mula ika-16 hanggang ika-17 ng Nobyembre, 2020, ipinagdiinan ni Xi Jinping, Kataas-taasang Lider ng Tsina, ang pagpapasulong sa modernisasyon ng sistema ng pangangasiwa sa bansa at kakayahan sa pangangasiwa, sa landas ng pangangasiwa alinsunod sa batas.
Laging pinahahalagahan ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ang pangangasiwa alinsunod sa batas, lalong lalo na, ang law-based governance na angkop sa sariling kalagayan ng bansa.
Tinukoy ni Xi na ang paggigiit sa pamumuno ng CPC ay saligang garantiya sa pagpapasulong sa komprehensibong pangangasiwa alinsunod sa batas. Diin niya, hinding hindi kokopyahin ng Tsina ang modelo at kilos ng ibang bansa, at hinding hindi tatahakin ang mga landas ng mga bansang kaluranin na gaya ng “pangangasiwang konstitusyonal,” at pagsasarili ng administrasyon, katarungan at lehislatura.
Saad ni Xi, dapat aktibong pasulungin ang lehislatura sa mahahalagang larangang gaya ng pambansang seguridad, inobasyong pansiyensiya’t panteknolohiya, kalusugang pampubliko, seguridad na biolohikal, sibilisasyong ekolohikal, pagpigil sa panganib, pangangasiwa alinsunod sa batas na may kinalaman sa suliraning panlabas at iba pa.
Salin: Vera