Sinabi nitong Miyerkules, Nobyembre 18, 2020 sa Beijing ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ipinakikita ng kooperasyon ng Belt and Road ng napakalaking resilience, kahit sa gitna ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Isinalaysay ni Zhao na nilagdaan ng Tsina, kasama ng 138 bansa at 31 organisasyong pandaigdig ang 201 dokumento sa ilalim ng kooperasyon ng Belt and Road, at natamo ng mga gawain sa iba’t ibang aspekto ang positibong progreso.
Dagdag niya, noong unang tatlong kuwarter ng taong ito, lumampas sa 960 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng Tsina at mga bansa sa kahabaan ng Belt and Road.
Maalwan ang progreso ng mahahalagang proyekto, aniya pa.
Samantala, sa gitna ng mahirap na kondisyon ng pandemiya, lumago pa rin ang larangan ng China-Europe Freight Train at nagkaroon ng bagong breakthrough ang Silk Road ng kalusugan.
Sapul nang sumiklab ang pandemiya ng COVID-19, ipinagkaloob ng Tsina ang mahigit 280 pangkat ng pangkagipitang saklolo kontra pandemiya sa mahigit 150 bansa’t organisasyong pandaigdig, ani Zhao.
Salin: Vera