Isinalaysay nitong Miyerkules, Nobyembre 18, 2020 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina na hanggang sa kasalukuyan, sumusulong ang phase III clinical trial ng 5 bakuna ng Tsina kontra COVID-19 sa maraming bansang gaya ng United Arab Emirates (UAE), Brazil, Pakistan, Peru at iba pa.
Aniya pa, kasabay nito, pinapabilis din ang phase I at phase II clinical trial ng iba pang mga bakuna.
Inaasahan aniya ng panig Tsino na ang mga ito ay makakagawa ng mahalagang ambag upang tulungan ang mga umuunlad na bansa sa paglaban sa pandemiya.
Ipinahayag din ni Zhao ang pag-asa ng panig Tsino na pagkaraang matapos ang pananaliksik at pagdedebelop ng mga bakuna ng Tsina, ilalakip ang mga ito sa procurement list ng COVAX sa lalong madaling panahon.
Salin: Vera