Ipinahayag nitong Huwebes, Nobyembre 19, 2020 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina sa regular na presscon sa Beijing, na ang matatag na pag-ahon ng kabuhayang Tsino, walang duda, ay mabuting balita para sa kabuhayang pandaigdig. Ito aniya ay nakakapagbigay ng bagong puwersang tagapagpasulong sa pag-ahon ng kabuhayang pandaigdig.
Ayon sa pagtaya kamakailan ng International Monetary Fund (IMF), sa 50 pinakamalaking ekonomiya sa buong daigdig sa 2020, 4 na ekonomiya lamang na kinabibilangan ng Tsina, ang naisakatuparan ang paglaki ng Real GDP per capita.
Kaugnay nito, ipinahayag ni Zhao na lubos itong nagpapakitang optimistiko ang komunidad ng daigdig sa prospek ng pag-unlad ng kabuhayang Tsino. Mas aktibong makikilahok ang Tsina sa merkadong pandaigdig, at mas aktibong palalalimin ang pakikipagkooperasyon sa ibang bansa para makalikha ng mas maraming pagkakataon at espasyo para sa pag-ahon at pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig, dagdag pa niya.
Salin: Lito