Ang bagong mga magandang economic data na inilabas ng Tsina noong Oktubre ay nakatawag ng pansin ng daigdig.
Kaugnay nito, sinabi ng pahayagang Financial Times ng Britanya, na bumibilis ang pagbangon ng kabuhayang Tsino mula sa pandemiya ng Coronavirus Disease (2019).
Ipinalalagay naman ng Bloomberg News ng Amerika, mas lumalapit ang Tsina sa pagsasakatuparan ng paglaki ng kabuhayan sa taong ito.
Mababasa naman sa Reuters ng Britanya, na ang kabuuang kalagayan ng kabuhayang Tsino noong Oktubre ay mas mainam kaysa inaasahan.
Tulad ng pag-aanalisa ng mga mediang ito, ipinakikita ng nabanggit na mga economic data, na tuluy-tuloy na bumubuti ang takbo ng kabuhayang Tsino sa kapwa aspekto ng suplay at pangangailangan, at nananatiling matatag ang kalagayan ng paghahanapbuhay at pamumuhay ng mga mamamayan.
Sa harap ng umiiral na mga elemento ng kawalang-katatagan sa daigdig at ilang estruktural na kontradiksyon sa loob ng bansa, bagama’t kailangang patatagin ng Tsina ang pundasyon para sa pag-unlad ng kabuhayan, naging unibersal na inaasahan pa rin ang tuluy-tuloy na pagbangon ng kabuhayang Tsino, at pinapalakas nito ang kompiyansa sa pagbangon ng kabuhayang pandaigdig.
Salin: Liu Kai